Panagbenga Festival sa Baguio, simula na

NAGSIMULA na ang isang-buwang selebrasyon ng Baguio Flower Festival ngayong Martes, Pebrero 1, sa tinaguriang “summer capital” ng Pilipinas.

Sinabi ni Anthony de Leon, chairman ng executive committee ng Baguio Flower Festival Foundation, na kasado na ang lahat ng preparasyon para sa mahabang selebrasyon ng Panagbenga Festival.

Sa pormal na pagsisimula, nagsagawa ng inagurasyon at blessing ng Panagbenga Park,alas-siyete ng umaga ng Martes.

Kasado na rin ang iba pang aktibidad at mga paligsahan na lalahukan ng daan-daang taga-Baguio at iba pang parte ng Pilipinas gaya ng engrandeng street dancing parade sa Pebrero 26 at float parade sa Pebero 27.

Isang milyong turista ang inaasahan ng lungsod ng Baguio na makikibahagi sa selebrasyon.

Nitong mga nagdaang araw ay dagsa na ang mga turista at ayon sa ilang hotel ay marami na silang booking.

Ang selebrasyon ay magtatapos sa Marso 7.

Samantala, patuloy ang paglamig sa City of the Pines matapos na bumaba sa 9.8 degrees Celsius ang temperatura doon. Bineza Zapanta

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply