Pang-iisnab ng fan itinanggi ni Kim

MARIING itinanggi ng aktres si Kim Chiu ang isyu ng pang-iisnab niya ng isang tagahanga sa Serendra.

Nagmula umano ang balita sa mismong nanay ng sinasabing kolehiyala, kasama ang ilang kaibigang balikbayan sa Serendra na diumano’y in-isnab ni Kim.

Ayon sa mga ito ay parang walang nakita si Kim nang tawagin nila ang aktres.

Galit na galita ang ina ng kolehiyala kaya naman sinabi nito na never na nilang susuportahan ang mga proyekto ni Kim.

“Hindi ko nga alam kung saan iyan, hindi ko alam ‘yan,” giit ni Kim.

Dagdag pa ni Kim, hindi talaga maiiwasan na hindi mapagbigyan o mabati ng aktres ang fans na gustong bumati sa kanya.

Kasabay naman nito ay humingi ng paumanhin ang aktres.

“Nakakalungkot siyempre, kasi hindi naman lahat naririnig ko. Parang Hi Kim! Minsan mababa lang tapos hindi ka na makaka-hi back so akala nila suplada or something. Sa amin, hindi naman namin intensyon yun tsaka gusto pa rin naming kumaway sa kanila para matuwa sila,” paglilinaw pa ng young actress.

Sa huling sagot ni Kim ay naging emosyunal siya. “Siyempre hindi naman lahat ng tao ay napi-please ko kasi tao lang naman ako eh, may pagkukulang din.” Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply