Pangasinan, Gensan nilindol

MAGKASUNOD na nilindol ang Pangasinan at General Santos City, madaling-araw ng Biyernes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bulletin, naganap ang unang pagyanig na may magnitude 3 bandang 4:26 a.m. sa Pangasinan na tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs bulletin, natagpuan ang epicenter nito sa 86 km northwest ng Lingayen.

Kasunod nito, naitala ang magnitude 4.4 na pagyanig bandang 4:28 a.m., kung saan natagpuan ang epicenter sa 158 km southeast ng General Santos City.

Hindi naman mabatid kung saan partikular naramdaman ang mga naturang pagyanig.

Wala namang naitalang aftershocks at nasirang aria-arian. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply