Pangkabuhayang nangangalaga sa kalikasan

ANO ang “green skills” program?  Ito ang pagsusulong ng pangkabuhayang oportunidad sa mga Pilipino kasabay ang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Isang programa na ipinanukala at ipinatutupad ngayon ni Sen. Loren Legarda sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsasanay sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda),  para sa pagsisimula ng pangkabuhayan sa mahihirap na komunidad gamit ang recycled materials sa kapaligiran, mga basura natin sa araw-araw na pwedeng pagkakitaan.  Nakatutulong pa sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Bilang panimula, tagumpay na nakapagtapos ang unang 16 na kababaihan mula sa National Capital Region (NCR) sa ‘trainors training’ sa Tesda-Malabon City.  Sila ay scholars ni Sen. Legarda na bababa sa mga lungsod para ibahagi naman ang kanilang natutunan  sa pagsasagawa ng livelihood training.

Isang trainor sa bawat munisipalidad.  Sila naman ang magbibigay ng pagsasanay sa full time mothers at kabataang out of school youth (OSY) na nais makapagsimula ng maliit na kabuhayan.

“This is an effort that is multi-beneficial. We are creating jobs for our people, making good use of recyclable waste materials, helping solve our garbage problems, and protecting our environment. We just need to give more support to this program so that we can implement it in the whole country, particularly in poor communities” ayon kay Legarda.

Sa isinagawang demo sa Senado ng 2 sa scholars kaugnay sa paggawa ng mga produktong papel, sinabi ni Dr. Nenuca Tangonan, Regional Director, Tesda-NCR, na ito ang kauna-unahang isinagawang pagsasanay o trainors training para sa ‘green skills’.  “We uasually have other trainors for other skills.  So, ito yung first time para ma-formalize kung paano sila magturo.  So they were able to develop the module materials.  Kasi noon  nagde-demo lang sila…wala pa talaga silang alam kung paano magturo.”

Ayon kay  Elpidio Mamaril Jr., District Director, Tesda-Camanava, tumagal ng 2-linggo ang Trainers Methodology/Assesors Methodology program  mula Enero 17-Pebrero 3, 2011 at ipinagkaloob ni Legarda ang gawad ng pagkilala sa kanilang kontribusyon sa komunidad.

Sinabi pa ni Tangonan na nais pang hasain ni Legarda ang kakayanan ng nasabing scholars o i-upgrade ang product designs ng bag, tsinelas, at iba pang produkto maging ang marketing para makasabay ito sa demand sa merkado.

“Mahalaga  ang pagbibigay ng green skills.  Rural livelihood and green skills…I think this is the best example of what can be done by  jobless women and OSY in the communities.  Rural livelihood can be done with very minimal inputs from waste products.  Real  livelihood that can generate income in the communities.  Naniniwala ako sa mandate ng Tesda,”  giit pa ng mambabatas.

Naniniwala din ang senadora na dapat na ibahagi ang nasabing trainors training sa iba pang rehiyon.  “These can be replicated in other regions.”  Subali’t hindi pa aniya sa ngayon dahil sa kakulangan ng panahon.

Isa si Ofelia Sicabalo ng Valenzuela City na kabilang sa 16 scholars ng trainors training.  Siya ay apat na taon nang gumagawa ng mga basket, tsinelas at iba pa mula sa pinatuyong water lily na sagana sa mga ilog ng lungsod.

“Sa panahon ng training namin, nagpalitan kami ng mga kaalaman at kasanayan namin. Tinuruan ko yung mga kasama kong gumawa ng basket at tinaruan din nila akong gumawa ng kwintas, beads, porselas mula sa mga lumang kalendaryo at iba pang papel.”

Kasabay nito, nananawagan si Legarda sa gobyerno at pribadong sektor na suportahan ang green skills program.

“National government agencies such as Tesda and the DTI should work closely together for the promotion and marketing of the end products.  These program would greatly help in bringing additional income to the poor communities, while using only minimal resources,” diin pa ni Legarda. Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply