Pangulo ng CENRO, nilikida

NILIKIDA ng dalawang magka-angkas sa motorsiklo ang pangulo ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng San Juan, Sta. Rita, Samar sa mismong harapan ng bahay nito sa Tacloban City.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang pamamaslang bandang alas-6:30 ng gabi sa may  Brgy. 109-A, Phase 4, V&G subdivision, Tacloban City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay sinasabing lulan ang biktimang si Pierre Gillo ng isang gray na Mitsubishi Pajero (YEY-696) at may kasamang isang babae.

Bigla umanong lumapit ang dalawang salarin na lulan ng isang motorsiklo at sunud-sunod na putok mula sa kalibre .45 pistola ang umalingawngaw.

Nakita naman ang limang empty shells ng kalibre .45 sa crime scene kung saan apat nito ay tumama sa dibdib ng biktima habang nawala namang bigla ang babaeng kasama nito.

Hinihinala naman ni  P/Sr.Supt. Wilson Caubat, hepe ng Tacloban City Police Office (TCPO) na maaaring may kinalaman sa trabaho ng biktima ang isa sa motibo para paslangin ito.

Sa salayasay umano ng kapatid ni Gillo ay noon pa man ay nakatanggap na ito ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Sinasabing nakita pa ng mga barangay tanod ang mga suspek ngunit hindi na ito naabutan pa.

Samantala, pinabulaanan ni Caubat na may kinalaman ang riding-in-tandem suspects sa pagpatay sa ilan pang mga opisyal ng Tacloban noong mga nakaraang buwan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply