Panukala sa national land use isasapinal na

TIWALA ang ilang mambabatas na maisasabatas na ang malinaw na polisiya sa national land use.

Tiniyak ni Camarines Sur Representative Diosdado “Dato” Macapagal Arroyo na nagpapatuloy ang nakukuhang suporta ng naturang panukala mula sa iba’t ibang partido sa Mababang Kapulungan.

“The absence of a national land use policy has made it difficult for the country to achieve a rational, holistic and just allocation of its vast land resources,” ayon kay Arroyo, pangunahing may-akda ng House Bill 829 o ang National Land Use Act samantalang co-author naman ang dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakapaloob sa HB 829 na ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang pangunahing ahensya na magpapatupad nito na ang pangunahing layunin ay masolusyunan ang matagal nang palpak na sistema ng pangangasiwa sa pambansang lupain at ari-arian.

Itinatadhana rin sa HB 829 ang paglikha ng National Framework for Physical Planning (NFPP) upang magsilbing pangmatagalang panuntunan sa magiging direksyon ng gagawing pagpapaunlad ng national land at iba pang pisikal na ari-arian ng bansa.

Maging ang mga lokal na pamahalaan ay may gagampanang papel sa pagbuo at implementasyon ng mga polisiya upang masigurong makikinabang din ang grass roots level.

Sa ngayon ay tinatrabaho na ng Technical Working Group (TWG) ng House Special Committee on Land Use ni Rep. Jeffrey Ferrer ang pag-iisa sa walong magkakahiwalay na panukala hinggil sa naturang usapin. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply