Panukala sa transparency sa paggamit ng AFP funds-pinamamadali

ISINULONG ng mga progresibong mambabatas ang panukalang “transparency” sa paggamit ng intelligence funds.

Ito ay sa gitna ng pagbubulgar ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa sa Senado.

Tinawagan ng pansin ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang mga kasamahang mambabatas na madaliin ang pagpapasa sa panukalang nag-aatas ng taunang joint congressional audit sa lahat ng government intelligence at confidential funds.

Ito ay isa lamang sa mga hakbangin na maputol ang maling paggamit sa AFP funds na naaabuso dahil hindi naman ito na-o-audit o sakop ng  resident auditor ng Intelligence Service  ng  Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

“This only confirms that the billions of pesos in taxpayers’ money allotted to intelligence and confidential funds, programs and activities of the government are also being used as another slush fund for the nefarious activities and whims of AFP generals.”

Nais ni Casino na simulan ang mga ganitong hakbangin sa 2011 approved national budget na umaabot sa PhP 1.2 bilyon ang confidential at intelligence funds.

“Intelligence and confidential funds are not subject to the regular auditing requirements of the COA to date. This has rendered these funds open to the misuse and abuse of those who are charged with the utilization of these funds granted to numerous government agencies, usually the generals closest to the Commander-in-Chief,” idinagdag pa ni Casiño, author ng House Bill 4127 o Intelligence and Confidential Funds Transparency Act of 2011.

Nakasaad sa nasabing panukala ang paglikha sa  Joint Congressional Oversight Committee on Intelligence and Confidential Funds na siyang magsusumite ng  detalyadong quarterly Accomplishment Reports  sa  Senado, sa Kamara de  Representantes at Commission on Audit (COA).

Ang hindi pagtupad dito ay nangangahulugan na hindi ire-release ang alokasyon para sa intelligence at confidential funds.

Suportado naman nina Reps.  Neri Javier Colmenares (Bayan Muna),  Luzviminda Ilagan at Emerenciana De Jesus (Gabriela Womens Party), Rafael Mariano (Anakpawis), Antonio Tinio (ACT Teachers), at  Raymond Palatino (Kabataan)ang naturang panukala kung saan sila rin ay pawang mga co-authored. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply