Paquito diaz pinatay ng mga tsismosa

KUMALAT sa text messages na patay na ang beteranong aktor na si Paquito Diaz.

Hindi naman ito ikinagulat ng pamilya Diaz dahil matagal na umano silang nakatatanggap ng mga text message na nagsasabing patay na ang kanilang ama kaya’t hindi na bago sa kanila ang pagkalat na naman ng ganitong balita.

Agad namang nilinaw ng pamilya na buhay na buhay ang aktor at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Bagama’t aminado ang Estevez Hospital sa kanilang maling deklarasyon tungkol sa kalagayan ng aktor ay hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang mga ito. Humingi rin ng paumanhin sa pamilya Diaz ang pamunuan ng ospital.

Ang aktor ay na-stroke noong 2004 at dalawang beses sumailalim sa operasyon.

Una nang idineklara ng mga doktor na bumigay na si Diaz na agad pinabulaanan ng kanyang pamilya.

Ilan sa mga pelikula ni Paquito ay ang “Pakners”; “Misis kong Hoodlum”; “Pag-ibig ko sa iyo’y totoo”, “Isusumbong kita sa tatay ko” (1999); “Kahit demonyo itutumba ko” (2000); “Mahal kita, kahit sino ka pa” at marami pang iba.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply