Para ‘di makalahok sa SEA Games, ‘buwaya’ sa PHL team sisipain

LALO pang hihigpitan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga atletang pinili ng national sports associations (NSAs) na sasabak sa SEA Games sa Nobyembre.

Subalit binanggit ng mga sources na hindi lamang ang performance ng national athletes ang pinababantayan ni POC head Jose Cojuangco Jr. kundi maging ang mga coaches at officials na pinagdududahang sangkot sa anomalya sa NSAs.

Ang Team Philippines ay susugod sa gaganaping SEAG sa Indonesia.

Natuklasan naman na sa March 2 pa lamang isasapinal ang SEA Games line-up dahil ito ang deadline na ibinigay umano ni Cojuangco ng pagsusumite ng NSAs ng listahan na maaaring mailahok sa grupo,

Ayon sa sources, ang mga nasa listahan ay babantayan na ng apat na cluster heads na binuo ng Southeast Asian Games Games Task Force.

Buong taon umano ay hindi makalulusot sa mga mata ng monitoring team ang mga atleta na tatamad-tamad sa training habang papalapit na ang SEA Games.

Ang SEA Games Task Force ay kinabibilangan nina Manny Lopez, Jeff Tamayo, Mark Joseph at Akiko Thomson-Guevara na pawang itinalagang cluster heads. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply