Para sa 2011 MMFF: Jeorge Estragan gustong makasama sa pelikula si Vilma Santos

SA WAKAS mapapanood ng  madla ang  buhay  ng  nagtatag ng First Philippine Republic, si  Gen. Emilio Famy Aguinaldo, may pamagat na “El Presidente” (True Story of Gen. Emilio Aguinaldo and the First Philippine Republic) handog ng Scenema Concept International na pinagbibidahan ni Laguna Gov. Jeorge “E.R.” Ejercito Estregan, para sa 2011 Metro Manila Film Festival, sa direksyon ni  Tikoy Aguiluz.

Ani direk Tikoy, ito ay isang indie epic movie. Indie, dahil hindi gawa ng mainstream producer.

*****

‘El Presidente’ gagastusan ng mahigit sa P100 milyon

Iindie-epic ang approach ito at naka-focus sa character.

High budgeted indie movie. Malayong-malayo sa typical indie movie.

Gagastusan ito ng mahigit sa P100 million. Yes, mas mahal at mas mataas pa sa mainstream. Hindi basta-basta ang techonological effect, special effects at reproduction nito.

Napag-alaman namin sa presscon na maraming nagbigay suporta pinansyal dito.

Ilalabas ang tunay na buhay ni Aguinaldo. Iba’t ibang research materials, documents at accounts ang pagkukunan nito.  May balita noon, na gagawin ito ni Sen. Bong Revilla pero hindi natuloy.

Ayon sa scriptwriter nito na si Roy Iglesias, matagal nang proyekto ito ni Gov. Ejercito.

*****

Mahigit isang dekada ang preparasyon

Halos mahigit isang dekada ang preparasyon para rito.

Lalo na sa mga material na kinunan dito. I-translate pa mula sa Spanish to English at Tagalog. At marami pang research na pinagdadaanan.

Dahil sa skedyul ng butihing gobernador ng Laguna ngayon lang ito naisakatuparan.

*****

Para isapelikula ang buhay ni Gen. Aguinaldo: Gov Jeorge Etregan may basbas na ni Sen Bong Revilla Jr

Ayon kay Gov. Ejercito,  napag-uusapan na nila ito ni Sen. Bong. Gagandahan niya ang pelikula para maipagmamalaki  si Emilio Aguinaldo dahil kapwa silang Caviteno.

Ang lolo sa tuhod ni Gov. Jeorge ay taga-Cavite City.

Dagdag pa ng butihing gabernador, ilan sa mga controversies na itatalakay sa pelikula ay ang execution ni Gat. Andres Bonifacio, execution ni Gen. Antonio Luna at ang Treaty of Paris.

Yes, tanging ang Scenema Concept lang ang matapang na masglalahad nito. Marami kasing movie producer na nagtangkang gumawa nito pero dahil sa maseselang bahagi ng buhay ni Aguinaldo hindi nila nagawa.

Sana sa pagpapalabas ng pelikulang ito ay mayru’n na tayong Aguinaldo Day, tulad ng ibang bayani na binigyan halaga ng Pinoy.

Makulay ang lovelife ni Aguinaldo.  Naghahanap pa sila kung sino ang gaganap na first wife ng heneral. Sa second wife nito, napipisil na si  Batangas Gov. Vilma Santos ang gaganap na Maria Agoncillo.

Ayon kay Gov. Ejercito, kakausapin niya si Gov. Vi tungkol dito.  Umaasa ang gobernador ng Laguna na tatanggapin ng gobernador ng Batangas ang alok ng una

Ang “El Presidente” ay tatagal ng 2 ½  hours screening. Ipalalabas din ito sa ibang bansa.

Huling napanood si  Gov. Ejercito sa pelikulang “Si Alamat at si Enteng Kabisote”-ang kanyang ika-150 films.

Sa 150 films na nagawa, 13 dito ang lead roles, tulad ng “Asiong Salonga” , “OXO VS. Sigue-Sigue”, “Bahala vs. Sputnik”, and others.

*****

‘Asiong Salonga’ gagawin muli ni Jeorge Estregan

And speaking of “Asiong Salonga” (Nicasio Rodriguez Salonga), sa pangalawang pagkakataon, gagampanan muli ni ER  ang alamat ng Robin Hood ng Tondo.

Yes, una ito ginawa ng kanyang uncle, Pres. Joseph Estrada noong 1961. Sinundan ni Rudy Fernandez noong 1978 at noong 1988, ginampanan ni ER.

Ayon kay Gov. Jeorge Estregan , ipagmamalaki rin natin ito sa foreign market.

Ipapapabas ang “Asiong Salonga” before 2011 Metro Manila Film Festival o sa January 2012. Dapat mapapanood ito ng bagong henerasyon.

Ang “Asiong Salonga” ay  handog din ng Scenema Concept at sa direksyon ni Tikoy Aguiluz.

*****

Gov ER walang balak tumakbong presidente

Samantala, kaya ginawa ni ER ang movie na “El Presidente” dahil tatakbo siyang presidente ng bansa?

Depensa ng gobernador, marami pa siyang gagawin sa kanyang lalawigan at wala siyang balak tumakbo  sa mataas na posisyon sa bansa.

Ganu’n pa man, isang destiny  ang pagiging president eng bansda.

As of now, unang ratsada pa lang niya bilang gobernador ng Laguna at nais pa niyang tatapusin ang kanyang term.

Dagdag pa niya naging  presidente siya ng limang taon sa Actors Guild of the Philippines at  class president  ng 42nd (Local Administration and Community Development Program)  (LADP) ng CLRG-NCPAG sa University of the Philippines-Diliman.  Joe Cezar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply