Parak, killer ng 2 pulis utas sa sagupaan

UTAS ang isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) at ang itinuturong pumatay sa dalawang police officer noong nakaraang taon sa naganap na sagupaan Biyernes ng umaga, Pebrero 4 sa Gamu Isabela, kinumpirma ng tagapagsalita ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, naganap ang enkuwentro alas 6:38 ng umaga sa Barangay Guibang, Gamu, nabanggit na probinsiya sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng PNP at Philippine Army.

Dead on arrival sa pagamutan si SPO2 Rovielle Laggui, ng Ist Manuever Platoon Provincial Police Security Command, habang dead on the spot naman si Elmer Aquino, alyas Erong, itinuturong principal suspect sa pagpatay kina P/Inspector Jelowie Antonio at PO3 Jaime Manaligod, pawang kasapi ng Police Intellignece and Security-Isabela Provincial police Office .

Nabatid na ang mga pinatay na police officer ay nagsasagawa noon ng casing operation laban sa suspek na itinuturong leader ng private armed groups na minamantine ng isang prominenteng public officials sa Isabela, bukod pa sa pagiging pinuno ng isang cattle rustling group.

Nabawi sa napaslang na suspek ang isang 9mm Ingram Machine Pistol at kalibre 38 baril na pag aari ng pinatay nilang si Tinyente Antonio.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng clearing operation sa pinangyarihan ng enkuwentro ang awtoridad. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply