Parak tinadtad ng bala ni misis

TEPOK ang isang pulis makaraang tadtarin ng bala ng baril ng kanyang misis sa Cauayan, Isabela.

Dead-on-arrival si PO3 Herminio Dalog, 39, miyembro ng PNP Cauayan City matapos barilin ng kanyang asawa na si Celia Dalog, tubong Calamba, Laguna.

Nabatid na nagpasyang mag-impake ang biktima makaraang magtalo silang mag-asawa na pinaghihinalaan ni misis na may babae.

Habang nagsasagutan, naitulak ng pulis ang misis kung saan tumama sa semento na lalo niyang ikinagalit.

Dahil dito, kumuha ng 9mm pistol service firearm ang suspek saka pinagbabaril ng ilang beses ang pulis.

Nagtamo si PO3 Dalog ng limang tama ng bala sa tiyan, hita, ulo at iba pang bahagi ng katawan. Marjorie Dacoro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply