Parak utas sa taga

BIYAK ang bungo at tapyas ang tatlong darili ng isang pulis Maynila matapos pagtatagain ng hindi pa nakikilalang suspek Martes ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si PO3 Luis Sagum, 53, nakatalaga sa Manila Police District Manila City Hall (Chapa) at residente ng 813 Coral st., Dagupan Tondo, Manila.

Sa report ni SPO1 Milbert Balinggan, gabi ng Martes 9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Emerald Building sa Rizal Avenue, malapit sa LRT Carriedo station.

Sa imbestigasyon, nakikipag-usap ang biktima sa isang Nashrodin Taratingan, vendor ng Pier South Harbour nang lumapit ang hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing hinataw ng taga ang pulis.

Tangkang salagin ng suspek ang bawat taga ng biktima dahilan kaya natapyas ang kanyang tatlong daliri sa kamay at nabiyak ang ulo.

Sinubukan namang mamagitan ni Taratingan pero maging siya ay tinaga ng suspek.

Nang masigurong patay na ang biktima ay agad na tumakas ang suspek.

Inaalam na ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply