Parlorista nagbigti

WINAKASAN ng isang beautician ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang banyo sa Valenzuela City Huwebes ng madaling araw.

Ang biktima na hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nakilalang si Pedro Dantes, 33, residente ng No. 389 Francisco St., Brgy. Paso de Blas ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City police, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang matagpuan ng kanyang anak na nakabitin ang biktima.

Sa salaysay ng 11-anyos na si Jayson, nagising siya upang umihi ngunit pagpasok niya sa kanilang banyo ay tumambad sa kanya ang amang nakabitin gamit ang kumot.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima habang nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may foul play sa insidente. Grande del Prado/Jun Samson

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply