Party-list law amyendahan — solon

INANGALAN ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang naging desisyon ng Supreme Court na paghadlang sa pagiging kinatawan ng party-list ang dating presidential son Juan Miguel “Mikey” Arroyo ng  Ang Galing Pinoy (AGP) party-list group.

“The High Court dismissed the petition on mere technicalities and deliberately avoided taking the bull by its horns. The decision ensures the further marginalization of the marginalized in the party-list system,” ani Casiño.

Noong Hulyo 2010 ay pinayagan ng Comission on Elections (Comelec) si Arroyo na umupo bilang kinatawan ng AGP kahit hindi ito kabilang sa marginalized sektor at hindi rin ito kabilang sa mga miyembro ng grupo.

Naging basehan ito ni Casiño at ng iba pang personahe ng party-list na idulog ito sa Korte Suprema na di-kalaunan ay ipinasa rin ang kaso sa hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

“The Court should not have passed the buck to the HRET and used the case as an opportunity to correct the anomaly of multi-millionaires and powerful politicians like Arroyo undermining the party list system,” dagdag pa ni Casiño.

Dahil dito, nagpasya ang grupo ni Casiño na isulong ang pag-amyenda sa kasalukuyang party-list law (RA 7941) upang magkaroon ng klarong kahulugan ng marginalized at under-represented sa party-list upang hindi na pamarisan pa ang ginawa na pagkapaslangan ni Mikey Arroyo sa nasabing  batas. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply