Parusa sa mga ganid na negosyante patitindihin
ISINULONG ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayo’y kinatawan ng Pampanga, ang isa ng panukalang batas na naglalayong patawan ng mas mabigat na parusa ang mga kumpanyang nagmamanipula at may ginagawang “unfair trade practices.”
Kasama ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang anak na isa sa may-akda ng House Bill 1583 na naglalayong gawing krimen ang pagmomonopolya ng negosyo at lahat ng porma ng “artificial machinations na nakakasira” sa malayang kumpetisyon sa merkado.
Ang bill, na kasamang umakda si Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo, ay may kaparusahang hindi hihigit sa P100-milyon multa at pagkakulong din ng hindi hihigit sa sampung taon ang mga lalabag.
Matagal na aniyang nagtitiis ang mga mamamayan mula sa mga kamay ng mga industriyang mapagsamantala dahil sa kakulangan ng regulasyon at panangga sa mga mapagsamantala.
“Unscrupulous businessmen have found ingenious ways to artificially control prices and manipulate the free market system. It, thus, behooves both Houses of Congress to establish a system that can adequately provide protection to our people against price manipulators,” ayon sa nakatatandang Arroyo. Beth Aragon
You must be logged in to post a comment Login