Parusang bitay muna bago ang Chacha

PAINGAY nang paingay ang mga pulitiko at iba pa ukol sa tinatawag na Charter Change.

Kung lalaparan ninyo ang inyong tainga at tatalasan ang inyong mga mata sa usaping ito, malalaman ninyong hindi na lang ang mga pulitiko kundi pati ang mga hukom sa Korte Suprema ang interesado rito.

Sa hanay ng mga pro-Chacha, parang gusto nilang palabasin na ang  1987 Konstitusyon ang puno’t dulo ng kamalasan sa repablik ni Juan.

Sa ibang salita, Suki, parang gusto nilang sabihin na kung wala itong 1987 Konstitusyon, walang korap.

Kaya ibasura na lang ang Konstitusyon at palitan ng iba.

oOo

Habang pinag-iinitan ng mga pro-Chacha ang Konstitusyon at korapsyon sa militar, sumisingit naman ang balita
sa bitayan sa Tsina.

Bibitayin sa mga darating na araw ang tatlong lahi ni Juan na nag-ismagel umano ng mahigit tig-4 kilong heroin bawat isa papasok sa Tsina.

Medyo napospon lang ito nang pinayagan sina VP Jojo Binay ng mga kumrad ni Mao na bumisita sa kanila at makipag-usap ukol dito.

Sabi ng mga Intsik, mabuti na paktay lahat tulak pala di sila pamalisan iba.

oOo

Dito natin naalaala ang Chacha.

Talaga bang ang Saligang Batas ang sanhi ng matinding korapsyon at pandarambong sa repablik ni Juan kaya gusto ng mga pro-Chacha na operahan o kaya’y ibasura lang ito?

Paano kaya kung unahin na lang ng mga pro-Chacha na itulak ang pagbabalik ng parusang bitay para wans en por ol, eh, matigbak ang mga talagang korap?

Isama na rin dito ang mga druglord, karnaper na manununog at rapist at iba pa.

Ubusin mo ang mga korap at titingnan natin kung may magnanakaw pa sa kaban ng bayan.

Try niyo!!! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply