PASA chief protektado ni Cojuangco

PROTEKTADO umano ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Jose “Peping” Cojuangco si Philippine Amateur Swimming Association (PASA) head Mark Joseph kaya hindi natatakot ang huli sa imbestigasyon hinggil sa mga anomalya sa naturang national sports association (NSA).

“Di siya pinababayaan ni Cojuangco kaya ‘di rin siya natatakot sa imbestigasyon,” pahayag ng isang source. “Kapag protektado ka ng tiyuhin ng presidente ng bansa, talagang lalakas ang loob mo at ‘di ka matatakot sa anumang pagsisiyasat.”

Binanggit na si Joseph ay inaakusahan na siyang utak sa paglustay ng P29-million na donasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang nasabing pondo, ayon sa mga sources, ay para sa mga swimmers sa bansa ngunit hindi tiyak kung bumagsak talaga ito sa dapat bagsakan.

Matatandaan na bago nilisan ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ang kanyang kapangyarihan ay binuo nito ang isang task force na titingin kung saan nalustay ang donasyon ng PAGCOR.

Subalit kinontra ito ni Cojuangco sa pagsasabing ang pangingialam umano ng gobyerno rito ay paglabag sa batas (RA 6847) na nagsasaad na dapat makipag-uganayan muna ang PSC sa POC at NSAs bago ipatupad ang anumang national sports program.

“Lumalabas na ‘di si Angping ang kontra bida kundi si Cojuangco kasi ayaw niya na iniimbestigahan ang anomalya,” wika ng source. “Kung talagang gusto niya ang tuwid na landas, tulad ng gusto ni PNoy, dapat lamang na bigyang daan ang imbestigasyon at ilabas ang katotohanan.” Gilbert Perdez

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply