Pasaporte ng pamilya ng 3 OFWs na bibitayin sa China inihahanda na

INIHAHANDA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ticket ng mga kamag-anakan ng Overseas Filipino Workers (OFW)s na nakatakadang bitayin sa Lunes.

Ayon kay DFA Spokesman Atty. Ed Malaya, binigyan nila ng full assistance ang pamilya ni Sally Ordinario Villanueva, upang ayusin ang pagpunta nito sa China.

Sinabi ni Atty. Malaya na ginawa ng pamahalaan ang makakaya upang maisalba ang tatlong OFWs na hinatulan ng death penalty dahil sa pagpuslit ng iligal na droga sa nasabing bansa.

Ayon Kay Malaya, matagal nang minomonitor ng DFA ang kaso ng mga Pinoy sa China, at sumulat pa si Pangulong Noynoy Aquino  sa presidente ng China na si Hu Jintao noong August 2010.

Samantala, ibinulgar naman ng kapatid ng Pinay na nakatakdang isasalang sa lethal injection na biktima lamang ang kanyang kapatid ng sindikato.

Maging siya umano ay pinalunok noon ng 34 piraso ng naka-sachet na droga para lamang madala sa ibang bansa ang nasabing epektos.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang ibinunyag ng hindi muna pinangalanang kapatid ni Ordinario. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply