Paslit tusta sa sunog sa QC

TUSTA ang limang taong gulang habang 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan makaarang masunog ang 500 kabahayan na nagtagal ng limang oras sa Quezon City, Pebrero 14 ng gabi.

Ayon sa report ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang 9:00pm at umabot sa Task Force Delta at naapula lamang bandang 2:37 a.m.ng Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakilala ang nasawi na si Manny Martinez, 5, ng Sinagtala Compound, Brgy. Bahay Toro.

Ayon sa ilang residente ng naturang lugar, naiwang natutulog ang bata sa loob ng bahay, ang ilan naman ay nagsasabing tinangkang makaligtas ng bata kasama ang kanyang nanay at nakatatandang kapatid ngunit nabigong makalabas ang bata nang gumuho na ang kanilang bahay dahil sa apoy.

Nabatid na kapitbahay ng Martinez family ang bahay ng isang Carlito Mapunting, kung saan hinihinala ng mga imbestigador na nagmula ang sunog.

Nabatid pa sa dzBB, sang fire volunteer ang nasugatan habang nag-aapula ng sunog.

Nadamay din ang dalawang bahay malapit sa Congressional Village.

Sa ulat, tinatayang 137 na pamilyang apektado ang pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng naturang village samantalang nasa lugar pa rin ng nasunugan ang ilan na nagbabakasaling may maisalba pa silang kagamitan.

Samantala, isang sunog din ang naganap sa residential building sa Cubao, Quezon City, madaling-araw ng Martes.

Batay pa rin sa report ng dzBB, umbot sa ikalimang alarma ang sunog kung saan naapektuhan ang ikaapat na palapag ng Genato Building sa Banahaw st.

Naganap ang sunog bandang 4:19 a.m. at naapula bandang 5:40 a.m.

Wala namang napaulat na nasugatan. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply