Paslit tusta sa sunog

TUSTA ang limang taong gulang na lalaki, habang 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan makaarang masunog ang 500 kabahayan sa Quezon City, Pebrero 14 ng gabi.

Ayon sa report ng DZBB, nagsimula ang sunog bandang 9 ng gabi  na umabot sa Task Force Delta at naapula bandang 2:37 ng madaling araw ng Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakilala ang namatay na si Manny Martinez, 5, ng Sinagtala Compound, Brgy. Bahay Toro.

Ayon sa ilang residente ng naturang lugar, naiwang natutulog ang bata sa loob ng bahay, ang ilan naman ay nagsasabing tinangkang makaligtas ng bata kasama ang kanyang nanay at nakatatandang kapatid ngunit nabigong makalabas ang bata nang gumuho na ang kanilang bahay dahil sa apoy.

Nabatid na kapitbahay ng Martinez family ang bahay ng isang Carlito Mapunting, kung saan hinihinala ng mga imbestigador na nagmula ang sunog.

Nabatid pa sa DZBB,  isang fire volunteer ang nasugatan.

Nadamay din ang dalawang bahay malapit sa Congressional Village.

Sa ulat, tinatayang 137 pamilyang apektado ang pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng naturang village  samantalang nasa lugar pa rin ng nasunugan ang ilan na nagbabakasaling may maisalba pa silang kagamitan.

Samantala, isang sunog din ang naganap sa residential building sa Cubao, Quezon City, madaling-araw ng Martes.

Batay pa rin sa report ng  DZBB, umabot sa ikalimang alarma ang sunog kung saan naapektuhan ang ikaapat na palapag ng Genato Building sa Banahaw st.

Naganap ang sunog bandang 4:19 ng umaga at naapula bandang 5:40 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasugatan. Marjorie Dacoro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply