Patalsikin ang OIC ng BI – solon

NANAWAGAN ang isang mataas na opisyal ng Kamara de Representantes kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na sibakin sa trabaho ang officer-in-charge ng Bureau of Immigration (BI) na umano’y may-sala sa kasalukuyang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

Pinagpilitan ni House Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay kay Pangulong Aquino na alisin na sa kanyang posisyon si Ronaldo Ledesma, OIC ng BI, sa kabila ng panawagang magbitiw na siya.

“For the sake of 90,000 OFWs and those going to Taiwan, I strongly urge PNoy to remove Commissioner Ledesma, who is responsible for the Taiwan fiasco,” ayon kay Magsaysay.

Ikinairita ng kongresista ang pahayag ni Ledesma na: “I maintain the decision to deport the criminal suspects to the People’s Republic of China is a right decision and is consistent with the laws and practice in the handling of such situations. I maintain that the decision has been done in good faith.”

Nauna nang nanawagan ang Pilipino Manpower Agencies Accredited to Taiwan (Pilmat) sa Department of Justice (DOJ) na patalsikin sa puwesto si Ledesma dahil sa maling desisyon na pinagmulan ng alitan ng Taiwan at Pilipinas.

Matatandaang inatasan ng Pangulo si dating Sen. Mar Roxas na magtungo sa Taiwan hindi para humingi ng paumanhin kung hindi para tiyakin na isang malalimang imbestigasyon ang isasagawa ukol sa insidente.

Titiyakan sana umano ni Roxas na mapaparusahan ang lahat ng sangkot  sa umano’y “political blunder” ng Pilipinas, kabilang ang 14 Taiwanese na sumailalim sa deportasyong patugong China.

Ang mga nabanggit na Tsino ay inakusahan ng panggagantso at pangongolekta ng malalaking halaga ng pera sa mga kapwa Chino sa pamamagitan ng internet. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply