Patay sa kilos-protesta sa Libya, 200 na

UMABOT na sa 200 katao ang nasasawi sa patuloy na kilos-protesta sa Libya makaraang isagawa ang crackdown operation sa mga ito.

Anim na araw ng nagsasagawa ng kilos protesta na humihingi ng pagbaba sa puwesto ni Libyan leader Mommar Ghadafi.

Batay sa pahayag ng isang doktor kung saan dinadala ang mga biktima ng karahasan, umabot na sa 200 ang patay na nasa kanilang morgue.

Nabatid na umabot na rin sa 500 ang sugatan sa lungsod ng Benghazi.

Ayon kay Lt. Col. Mohammed al-Majbari, dating Libyan military na umanib sa oposisyon, maituturing na marahas ang mangyayari ngayon sa Libya.

“It is time for freedom. (Gadhafi) is not a human being. A Libyan would never do this to his people. He is a dictator,” pahayag ni Al-Majbari. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply