Patay sa NZ quake umakyat sa 145

UMABOT na sa 145 katao ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 200 pa ang nawawala sa naganap na magnitude 6.3 na lindol noong nakarang linggo sa Christchurch City, New Zealand.

Sinigurado naman ni Christchurch mayor Bob Parker sa mga bansa na may kababayang na-trap sa mga gumuhong gusali na gagawin lahat ng lokal na pamahalaan ang kanilang makakaya para mahanap ang mga nawawala.

Ayon sa listahang inilabas ng King’s Education language school, siyam na guro at 51 estudyante ang na-trap sa gumuhong Catenbury TV (CTV) building.

Hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng aftershocks ang Christchurch na nagpapatagal sa isinasagawang search and rescue operation.

Samantala, inihayag ni New Zealand Prime Minister John Key na sa darating na Linggo ay mag-aalay sila ng dalawang minutong katahimikan para ipanalanganin ang mga biktima ng lindol.

Ayon kay Key ito na ang pinaka-tragic event na naganap sa New Zealand. Bineza Zapanta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply