Patrick Garcia hindi na hahabulin ang anak kay Jennylyn Mercado

HINDI na maghahabol ang dating sikat na aktor na si Patrick Garcia sa kustodiya ng anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Ayon sa aktor, ginagawa niya ito para sa kanyang anak.

Ayaw niya umanong maguluhan ang bata kapag nangyaring palipat-lipat ito sa dalawang bahay.

Sinabi niya na pagdating ng panahon ay maiintindihan din ni Alex Jazz ang nangyari sa kanilang dalawa ni Jennylyn.

Matatandaang itinanggi ni Patrick noon ang ipinagbubuntis ni Jennylyn.

Sa kabila nang hindi paghahabol ni Patrick sa kustodiya ng bata ay nangako naman siya na patuloy niyang ibibIgay ang financial support para sa anak. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply