Patriots hihirit ng winner-take-all

UMAASA ang AirAsia Philippine Patriots na mananalo sa Game 2 sa sariling balwarte para maisaayos ang isang winner-take-all game 3 laban sa Chang Thailand Slammers sa pagtutuos sa AirAsia Asean Basketball League (ABL) season 2 sa PhilSports Arena sa Pasig City Sabado ng hapon, Pebrero 19.

Nalugmok ang Patriots sa unang laro sa iskor na 58-66 sa bakbakang ginanap sa Bangkok noong nagdaang linggo.

Sasandal sa pagkakataong ito si coach Louie Alas sa 2 import na sina Gabe Freeman at Steve Thomas.

Tinatanaw din niya ang masigasig na paglalaro nina ex-FEU star Benedict Fernandez, suporta nina Junjun Cabatu at ng beteranong guwardiya na si Egay Billones.

Muling nagpahayag ng kumpiyansa sina team owners Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco na makahihirit ng panalo ang kanyang koponan bago magbalik sa Bangkok sa winner-take-all game 3 sa susunod na linggo. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply