Patriots sumadsad sa Slammers

KINUMPLETO ng Chang Thailand Slammers ang makapigil-hiningang pagtatapos ng 2nd ASEAN Basketball League (ABL) Season 2 matapos gibain ang Philippine Patriots taglay ang second consecutive win sa PhilSports Arena.

Ang Slammers ay humataw at nahabol ang 13-point deficit sa second quarter para itipa ang 75-66 win sa Game 2 ng kanialng best-of-three title series.

Sa panalong iyon ay napanalunan ng Slammers ang kanilang kauna-unahang major basketball crown sa rehiyon.

Subalit ang kabiguang iyon naman ang sumira sa pag-asa ng Patriots sa Game 3 na gaganapin sana sa Bangkok.

Natuklasan na puro sablay ang mga tira ng mga Pinoy sa labas sa huling dalawang minuto ng laro kaya nawarat ang pangarap nitong masungkit ang back-to-back title. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply