Patrombon sibak sa Davis Cup

HINDI isinama si outstanding junior netter Jeson Patrombon sa Philippine Davis Cup team na haharap sa Japan sa gaganaping Asia Oceania Zone Group I opening tie sa The Plantation Bay sa Lapu Lapu City, Cebu mula March 4 hanggang 6.

Ayon kay Manny Tecson, coach ni Patrombon, kinausap na niya si Philippine Tennis Association (PHILTA) vice president at Davis Cup administrator Randy Villanueva na ipinaalam na nga sa kanila na hindi ito isasali sa torneo dahil nakasama na ito sa laro laban sa Korea noong isang taon.

Si team captain Cecil Mamiit ay sasamahan sa kampanya ng bansa nina fellow Fil-foreign player Treat Conrad Huey, Johnny Arcilla at Elbert Anasta sa Davis Cup squad na naglalayong tapusin ang pagkadominante ng Japanese team.

“Jeson will not be included, as of now, in the Davis Cup main team, as they are sticking it out with the original line-up of Mamiit, Huey, Arcilla and Anasta,” wika ni Tecson na una nang nakiusap na isama ang kanyang alaga na ngayon ay ranked ninth overall ng International Tennis Federation (ITF) sa Junior world ranking. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply