Patrombon swak sa ITF Top 10

MALAKING bagay ang pagkakapasok ni Jeson Patrombon sa quarterfinals  ng Australian Open Juniors Championship singles event matapos siyang umusad sa International Tennis Federation (ITF) world junior rankings.

Si Patrombon ay lumundag mula 12th hanggang ninth, ayon sa latest ITF rankings.

Maliban sa Last 8 finish sa singles ng kanyang kauna-unahang Grand Slam event,  ang 17-year-old na si Patrombon ay nakausad din sa boys’ doubles second round kasama si teammate Jaden Grinter ng New Zealand.

Sa nasabing game, nalugmok sina Patrombon sa 6-3, 7-5 loss sa tambalang Ben Wagland at Andrew Whittington, kapwa ng Australia.

Base sa ITF, nadaragdagan ang puntos ng isang player kung maganda ang kinalabasan ng huling laro nito. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply