Payo kay Heidi: Alok ni PNoy ‘wag tanggapin

PINAYUHAN ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo si dating state auditor Heidi Mendoza na huwag tanggapin ang posisyon sa gobyerno na inialok sa kanya ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ipinaliwanag ni Bagaforo na lalabas na ginamit lamang si Mendoza ng kampo ni G. Aquino upang siraan ang administrasyong Arroyo kung tatanggapin niya ang nasabing alok.

Ayon sa Obispo, mas mabuti kung mananatiling independiyente si Mendoza upang hindi makulayan ng pulitika ang ginawang pagsisiwalat ng katiwalian sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“It will appear kasi… na hindi maganda, na ang pamahalaan ay ginagamit siya para sirain iyong mga nasa dating pamahalaan,” ani Bagaforo.

Si Mendoza ang dating auditor ng Commission on Audit (COA) na nakatuklas ng umano’y anomalya sa pondo ng military na kinasasangkutan ni dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Ayon sa Pangulo, inalok niya si Mendoza ng puwesto sa pamahalaan dahil ang kailangan ng gobyerno ang tulad niyang na matapang at tapat sa tungkulin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply