Payo ng CBCP sa mga loveless: True love di minamadali

HINDI dapat na malungkot ang mga dalaga at binatang “unattached” o walang kasintahan sa Valentine’s Day dahil ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tunay na pag-ibig ay hindi minamadali, kundi kusang dumarating sa tamang panahon.

Kasabay nang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, pinayuhan pa ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Episcopal Commission on Family and Life ng CBCP, ang mga ito na manalangin sa Diyos upang matagpuan na ang kani-kanilang true love.

“This may sound corny, especially to the youth, but the truth is, to have a suitable and worthy partner, it must be asked from God,” ayon kay Castro.

Iginiit ng CBCP official na hindi dapat na ma-pressure sa paghahanap ng taong mamahalin ang mga ‘single ladies at gentlemen’ kapag Valentine’s Day dahil hindi aniya minamadali ang pag-ibig.

“Love life is not rushed. It comes at the proper time, most especially with prayers. They must not be green with envy if they don’t have a date [on Valentine’s Day] because searching for the one to love and love you in return needs time,” ani Castro.

Paliwanag nito, mas mabuti nang maghintay kaysa naman maloko ng maling uri ng pag-ibig.

“So to all the singles, especially the young people, be very discerning, responsible and prayerful,” payo pa ni Castro, at binigyang-diin na kahit naman walang kasintahan ay maari namang ipakita ang pagmamahal sa Araw ng mga Puso sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply