PBA imports narito na

NASA bansa na ang mga import player na kung saan ang ilan ay nakikipag-ensayo na sa kani-kanilang team para sa PBA Commissioners Cup na magsisimula sa Pebrero 18.

Maglalaro sa Meralco Bolts si Anthony Danridge na may taas na 6’4” samantalang ang 6’39” na si Nate Brumfield ang magdaragdag ng lakas sa Barangay Ginebra.

Ipaparada ng Powerade ang 6’3” na si Russell Carter, Rain Or Shine si Hassan Adam na may taas na 6’3”, Alaska Aces ay mayroong import na si Larry Williams, 6’3”, B-Meg Derby Ace Robert Brown 6’2”, Talk ‘N Text ay sasamahan ni Paul Harris na may taas na 6’3” samantalang ang kararating na import ng San Miguel Beer na si Ira Brown ay may nakatalang taas na 6’4” at inaasahang makapapasa sa height requirement sa official measurement.

Import naman ng  Smart-Gilas si Marcus Douthit, 6’10”. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply