PBA yayanigin ng Smart Gilas

DADAGUNDONG ang Big Dome sa pagpasok ng Smart-Gilas Pilipinas sa gaganaping PBA Commissioners Cup na nakatakdang pasimulan sa Biyernes.

“It’s a  win-win situation sa PBA at sa Smart Gilas Pilipinas ang pagkakapasok ng National Team sa komperehensya,” ani Rajko Toroman.

Inamin pa ng Serbian coach na mabigat ang kahaharapin ng Team Pilipinas laban sa Tropang Texters, San Miguel Beermen, Barangay Ginebra, Alaska Aces at sa B-Meg Derby Ace.

“Nananalig ako na mangingibabaw ang Smart Gilas dahil sa karanasan nito sa laban kontra sa matitikas na players ng Lebanon, Iran at Qatar,” dagdag ni Toroman.

Nagpahayag pa si Toroman sa PBA Management ng pasasalamat sa pagsang-ayon na makalahok sa komperensya para madagdagan ang kanilang paghahanda sa FIBA Asia Champioship na isang qualifying tournament para sa 2012 London Olympics. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply