PBL commissioner binastos ng 3 teams

KUMALAS ang tatlong koponan sa Philippine Basketball League (PBL) kaya posibleng mapurnada ang mga plano ni Commissioner Nolan Bernardino.

Ang Agri-Nature Inc./FCA, Pharex at Cobra Energy Drink ay nagpasyang lumundag na lang sa Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League na ikinagulat ng batang Bernardino, anak ng dating PBA commissioner na si Jun Bernardino.

“If reports are true that they are indeed going to the D-League, we will take a back seat,” pahayag ni Bernadino. “I was surprised with the development. I really had no idea that they will be moving to the D-League. In fact, I was trying to get in touch with the team representatives to find out about our next meeting.”

Matatandaan na si Bernardino, kasama sina PBL chairman Ding Camua ng Pharex at Pharex team manager Gene Alabanza, ay dumalo pa sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum at inanunsiyo ang opening ng PBL sa March 12 sa Ninoy Aquino Stadium.

Subalit mapipilitan ang PBL na burahin na lamang ang kanilang mga plano bunsod na rin ng tila pambabastos sa kanila ng tatlong koponan. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply