PBL exec nabuwisit sa D-League

NAGPAHAYAG ng panghihinayang si Philippine Basketball League (PBL) commissioner Nolan Bernardino sa posibleng pagkalumpo ng institusyon na 28 taon nang namamayagpag matapos kumalas ang Pharex, Cobra at Agri-Nature.

“Nanghihinayang ako,” ayon kay Nolan, anak ni dating PBA commissioner Jun Bernardino. “May kaunting hinanakit pero mas ‘yung nanghihinayang.”

Aniya, nais niya sanang makatulong pa sa mga batang atleta sa pamamagitan ng PBL na siyang humubog sa galing nina Alvin Patrimonio, Samboy Lim, Allan Caidic, Jojo Lastimosa, Jerry Codinera, Benjie Paras, Vergel Meneses, Jun Limpot, Johnny Abarrientos, Marlou Aquino, Eric Menk, Asi Taulava, James Yap, Jay Washington, Jason Castro, Sol Mercado, at iba pa.

Binanggit ni Bernardino na dapat ay inabisuhan muna siya ng tatlong team hinggil sa plano nitong paglundag sa PBA D-League.

“Hindi naman natin kalaban ang D-League. Maganda nga yun dahil mas maraming tournaments, mas makakatulong sa mga kabataan natin,” paliwanag ni Bernardino. GP

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply