PBL season kanselado muna

OPISYAL nang kinansela ang pagdaraos sa taong kasalukuyan ng Philippine Basketball League (PBL) subalit umaasa ang pamunuan na hindi tuluyang winawakasan ng liga ng mga amateur ballplayers ang paliga.

Ang desisyon ay resulta ng paglahok ng apat sa limang teams sa PBA Developmental League (D-League) na magbubukas sa susunod na buwan.

Ang apat na pangunahing miyembro ng PBL na lumahok sa PBA D-League ay ang Cobra Energy Drink, Pharex Laboratory, AgriNurture at Café France.

Tinatalakay pa ng namumuno sa PBL ang sitwasyon at mga planong pangkarapatan tungo sa pagbabalik ng liga sa darating na panahon.

Si Ding Camua na kasalukuyang chairman ng PBA at si Pharex team manager Jean Alabanza ay nananalig na muling mabubuhay at sisigla ang PBL na kilalang amateur cage league. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply