PCSO Loterya ng Bayan inilunsad

UPANG tuluyang maalis ang sindikato ng jueteng sa Luzon at “masiao” sa Visayas at Mindanao region, inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang PCSO Loterya ng Bayan (PLB), Biyernes, Pebrero 4.

Sa isang press conference, sinabi ni PCSO Chairperson Margarita Juico na bumuo ang ahensiya ng supervision monitoring group sa bawat lalawigan sa bansa upang susubaybay sa operasyon ng PLB at titiyak na hindi ito magagamit ng sinuman para gamitin  sa operasyon ng jueteng.

Ayon kay Juico layunin din ng hakbang na madagdagan ang pondo ng ahensiya para ayudahan ang health programs ng pamahalaan, medical assistance, serbisyo at charity projects sa bansa.

Bukod pa ito sa pondong ipagkakaloob ng PCSO sa mga lokal na pamahalaan upang masustinihan ang health at medical programs, gayundin ang serbisyo sa constituents at pag-asiste sa law enforcement agencies para tuluyang mawalis ang illegal number operations sa bansa.

Binigyang diin din ni Juico na ang hakbang na ito ay pagtalima ng ahensiya sa panawagan ni Pangulong Noynoy Aquino ng transformational leadership para maalis ang korapsiyon at makahanap  pa ng dagdag na pagkakakitaan upang matulungan ang mga may sakit at mahihirap na mamamayan.

Ang PCSO Loterya ng Bayan ay bukas sa mga kumpanya na nais maging operator. Santi Celario

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply