PCSO tututok sa Loterya ng Bayan

BILANG pakikiisa sa nais ng pamahalaan na tuluyang mawala ang illegal numbers games sa bansa, ipinangako ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kanilang tututukan ang pag-o-operate sa binagong anyo na small-town lottery, ngayon ay kilala na sa tawag na “PCSO Loterya ng Bayan (PLB).”

Kabilang sa rules and regulations ng PLB ang napagkasunduan na lahat ng draw ay gagawin ng PCSO personnel sa loob mismo ng PCSO branch offices sa buong bansa.

Trabaho naman ng operator na irekord ang petsa at oras ng lahat ng local draw linggo-linggo na agad ding ipapasa sa PCSO.

Ang bawat draw ay dapat na i-broadcast nang live sa local televisions at irereport sa national at local radio maging sa print media.

Hihingan din ng PCSO ang lahat ng operator ng certification mula sa broadcast station bilang patunay na naisaere ang lahat ng resulta ng draw, kasama ang recorded material.

Ang PLB draw ay magsisimula sa Mayo na ang pinakamababang taya ay P5.

Games

Ang PLB ay mayroong tatlong draw:

1. EZ2

– Lahat ng mananaya ay kailangang pumili ng dalawang numero mula 1-31; ang mananayang makakakuha ng eksaktong numero ay mananalo ng P2,000.

2. Suer3

– Lahat ng mananaya ay kailangang pumili ng tatlong numero mula 0-9; ang mananalo ay mag-uuwi ng P2,250.

3. Pares

– Ang mananaya ay kailangang pumili ng dalawang numero mula 1-38; ang mananaya na makakakuha sa dalawang numero sa tamang pagkakasunod ay mananalo ng P4,000.

Operators’ qualifications

Hihigpitan naman ng PCSO ang pagbibigay ng requirements sa mag-aaplay na operators.

Ilan sa requirements ay ang pagkakaroon ng korporasyon ng operator kung saan kanilang gagawing primary business ang PLB.

Ang nasabing kompanya ay dapat pag-aari ng 100-percent Filipino at may minimum authorized capital stock na P50 million, at may minimum paid-up capital na P10 million.

Bukod sa pagkakaroon dapat ng tamang manpower para mag-operate ng nasabing laro, ang operator ay nararapat na mayrrong sapat na kaalaman at kredibilidad para makapag-operate ng PLB, ayon na rin sa nakasaad sa Article IV, Section 9 ng IRR.

Lahat naman ng empleyado ng operators ay inaatasang magsuot ng PCSO-prescribed uniforms at identification cards sa oras ng trabaho.

Cancellation

Lahat ng operators ay nararapat na mag-remit ng daily share para sa Charity and Operating funds ng PCSO sa first banking day, sumunod sa araw-araw na kita ng kompanya.

Sa ilalim ng IRR, ang PCSO ay nakakakuha ng 8.5 percent sa kanilang retail receipts, habang ang local government units at local police ay nakakakuha ng 12.5-percent share ng retail receipts.

Ang anumang pagkabalam ng pagre-remit ay may kaukulang penalty na 1/10 ng one percent ng nararapat na iremit na halaga. Ang madalas na pagka-delay ng pagre-remit ay maaaring dahilan ng pagkansela sa oeprasyon ng PBL.

Nakasaad din sa kontrata na nararapat mag-umpisa ng draw ang operator sa loob ng 30 araw, matapos maaprubahan ang PLB contract, dahil kung hindi, maaaring iknasela agad ang prangkisa ng operator.

Ang hindi rin ipinapaalam na suspensyon ng lottery operations ng mahigit tatlong araw ay maaari ring gawing batayan para ikansela ang prangkisa ng PBL ng kahit sinong operator. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply