Peace talk ‘di apektado ng rouge commanders – MILF

PILIT na pinapawi ng  liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang agam agam na maapektuhan ng kanilang mga tinatawag na rouge MILF base commanders ang isinusulong na usapang pangkapayaan sa pagitan ng kanlang grupo at ng pamahalaan kasunod ng ulat na may nagtayo na ng panibagong armed group.

Ayon kay Marvic Leonen, chief negotiator ng gobyerno sa pakikipag usap sa MILF, tiniyak sa kanila ng liderato ng rebeldeng grupo na nanatiling nasa ilalim ng kanilang saklaw si 108th MILF  Base Commander Ameril Umbra Kato na napaulat na nagtatag na ng sariling grupo.

Magugunitang si Kato na dineklara ng pamahalaan na kabilang sa MILF rouge commanders ay nagbitiw bilang pinuno ng isang  base command at sa halip na pumayag na maitalaga sa ibang posisyon ay nagbuo ng panibagong grupo na binubuo ng ilang daang katao at tinawag niyang  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters may tatlong buwan na ang nakakalipas.

Sa pahayag ng MILF sa kanilang official website na luwaran.com, sinabi ng kanilang pamunuan na na nanatiling bukas ang kanilang linya kay Kato at iginagalang umano ng nasabing base commander ang liderato ng MILF

Magugunitang nagkaroon ng balakid sa isinusulong na peace talk s apagitan ng gobyerno at MILF ng magwala ang mga tinatawag na MILF rouge commanders noong Agosto 2008 kasunod ng pagkakabasura sa MOA-AD or Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na kinabibilangan ni Kato at 105th Base Command chief na si Commander  Bravo.

Ayon kay Leonen, binigyang diin ng pamahalaan ang kanilang pangamba na posibleng maglunsad ng mga panggugulo ang grupo ni Kato para wasakin ang umiiral na cease-fire agreement. Tiniyak naman ng ng MILF na hindi ito mangyayari dahil hawak pa rin nila ang umano nasabaing rouge commander.

Dahil poistibo rin ang MILF sa ikatatagumapy ng peace negotiation na ginaganap sa Kuala Lumpur, Malaysia ay naglatag na ang kanilang panel ng bago nilang posisyon sa usapin.

Nabatid na may pito hanggang sa siyam na porsiyento na lamang ang kanilang hinihingi sa inaangkin nilang historical territories sa southern Philippines na sinasabing traditional homeland ng mga Muslim Filipinos.

Nabatid na hindi naman kaagad ito sinasang-ayunan ng pamahalan dahil kasakukuyan pa itong isasailalim sa pag-aaral. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply