Pedicab driver kinatay ng adik sa Pasay

NAGMISTULANG kinatay na baboy ang isang pedicab dirver makaraang burdahan ng saksak ng hinihinalang drug addict kaninang madaling araw, Pebrero 27.

Naisugod pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Rene “Boy” Bantiles, 25, ng 2641 Villaruel st., Barangay Bangkal, Makati City bago idineklarang wala nang buhay.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Simon Respicio, ang insidente ay naganap 1 ng madaling-araw habang ang biktima ay namamasada ng kanyang pedicab sa C. Jose extension, Malibay, Pasay City.

Nakasalubong umano ng biktima ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Louie”, kilalang adik sa lugar at hinarang ang kanyang ipinapasadang pedicab.

Sa pag-aakalang sasakay, hinintuan ng biktima ang suspek pero sa hindi malamang dahilan ay inundayan siya ng saksak bago mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad para sa ikadarakip ng suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply