Pekeng PDEA agent timbog sa buy-bust

KALABOSO ang isang dating pulis na nasibak sa serbisyo dahil sa pagkasangkot sa iba’t ibang kasong kriminal sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iniulat Huwebes, Perebro 3.

Sa ulat ni  PDEA Region 3 Acting Director Ronald Allan Ricardo kay Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., kinilala ang naaresto na si Arturo Morales Ramos, dating pulis at nagpakilalang PDEA agent.

Nakuha sa pag-iingat ni Morales ang tatlong plastic sachet ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust ng PDEA sa Brgy. Sipat, Plaridel, Bulacan

Lumitaw sa isinagawang pagsisiyasat ng PDEA na si Morales ay dating tauhan ng PNP na nasangkot sa iba’t ibang kasong kriminal gaya ng extortion activities, robberies at rape.

Pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA  Regional Office 3 habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II  ng  RA 9165 laban sa kanya dahil sa pagbebenta at pagtatago ng illegal drugs.

Ayon kay Gutierrez hindi na aniya bago ang taktika ng ilang tiwali sa kanilang pagpapanggap bilang isa ring  law enforcer para lamang makalusot sa kanyang iligal na gawain. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply