People Power anniv, titipirin

MATIPID subalit makasaysayang selebrasyon ang nakatakdang ganapin sa ika-25 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Ayon kay Cesar Sarino, ng Edsa People Power Commission, mas bibigyan ng pansin sa selebrasyon ang espiritu ng pagbibigayan at pagmamahalan kung saan nakatakdang gawin ang flag raising ceremony sa People Power Monument

Isang ecumenical mass din ang gagawin sa mismong Edsa Shrine kasabay ng reenactment sa tinaguriang “salubong.”

Magpapadala rin ang Malakanyang ng formal invitation kina dating Pangulong Joseph Estrada, Fidel Ramos at Gloria Arroyo, na naging bahagi ng makasaysayang EDSA.

Sisimulan ang pagdiriwang sa Pebrero 17 na magtatapos sa 27 na may temang “Pilipino Ako, Ako Ang Lakas ng Pagbabago”. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply