People Power nilulunsad vs LRT/MRT fare increase

MAGSASAGAWA ng People Power ang mga militanteng grupo, partikular na ang Riles Laan sa Sambayanan (RILES Network) sakaling ipatupad ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay Sammy Malunes, spokesperson ng RILES Network, hindi na kaya ng mga Pilipino ang P5 hanggang P15 fare hike ng LRTA at DOTC.

Ani Malunes, nagtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ngunit hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa.

Dahil dito, hinikayat ng grupo ang mga mamamayan na mag-People Power para labanan ang pagtataas ng pasahe sa LRT at MRT.

Hinikayat din ni Malunes ang lahat ng mga commuter ng tren na magsuot ng itim na laso bilang protesta.

Maliban dito ay nagbanta rin ang RILES Network na maglulunsad sila ng mga kilos-protesta sa paanan ng mga MRT/LRT station para hikayatin ang mamamayan na kumilos laban sa nasabing fare increase. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply