PH di dapat mag-sorry sa Taiwan – Enrile

HINDI dapat humingi ng paumanhin ang Pilipinas sa Taiwan hinggil sa pagpapatapon ng ilang Taiwanese national sa China dahil walang diplomatikong relasyon ang Maynila sa Taipei.

Iginiit ito nitong Huwebes ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos batikusin ang Palasyo sa kawalan ng pagpapahalaga sa overseas Filipino workers (OFWs) na posibleng pabalikin ng Taipei sa bansa sa pagpapatapon ng ilang Taiwenese nationals sa Beijing.

“We maintain a One-China policy and I think the Philippine government is correct,” giit ni Enrile.

Dagdag niya: “It is regrettable that some of these nationals of Taiwan happen to commit infractions of our laws and we could not possibly openly and officially deport them to Taiwan because we have no open formal diplomatic relations with an entity called Taiwan.”

Iginiit pa ni Enrile na base sa international law, tanging ang China lamang ang kinikilang kinatawan ng mamamayang Tsino sa kabila nang pakikipagkaibigan ng Maynila sa Taipei.

Nagbanta si Enrile na kapag ipinabalik ng Taipei ang OFWs na nagtatrabaho sa kanilang lugar, ipatatapon naman ang lahat ng Taiwanese na naninirahan sa Pilipinas.

“They (gobyerno ng Taiwan) can all drive our people back to the Philippines and we will also drive their people out of the Philippines,” anito. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply