PH kakapusin ng gatong sa 5 taon – Angara

IBINABALA ni Sen. Edgardo Angara na kakapusin ng gatong o enerhiya ang Pilipinas mula 1,500 – 2,000 megawatts (MW) sa susunod na limang taon kung hindi kikilos kaagad ang gobyerno na palakasin ang alternatibong enerhiya.

Sa pahayag ng Congressional Commission on Science, Technology and Engineering (CIOMSTE), sinabi ni Angara na kailangan nang palakasin ang wind energy bilang renewable energy (RE) resource para tugunan ang pangangailangan ng gatong sa loob ng limang taon.

Tinataya ng komisyon na pinamumunuan ni Angara, na aabot sa 1,500 hanggang 2,000 megawatts ang kailangang suplay ng bansa sa susunod na taon base sa pag-aaral ng National Renewable Energy Board (NREB).

Dahil dito, sinabi pa ni Angara, inatasan ang komisyon na paunlarin ang Public Private Partnership (PPPs) at pamuhunan na manaliksik sa pagpapaunlad ng wind energy.

“By exploiting innovative RE Systems like wind energy, we can move towards achieving the long term goal of energy independence,” ayon kay  Angara.

Kinukuha ng bansa sa RE ang mahigit 40 percent ng pangangailangan sa gatong ng bansa na karamihan mula sa geothermal habang isang porsiyento lamang ang nagagamit mula sa wind, solar at micro-hydro plants.

“A report made by the Energy panel of COMSTE indicating that despite recent aggressive moves to develop and install large wind farms in the country, the potential for this Renewable Energy (RE) source is still untapped,” giit ni Angara.

Base sa pagsusuri ng US base National Renewable Energy Laboratory (NREL) sa potensiyal ng wind power sa Pilipinas, mayroon ang bansa na mahigit 10,000 square kilometers ng lugar na may maganda at mahusay na pagkukunan ng wind energy. “Ibig sabihin nito, mayroong potensiyal na 76,600 MW na kapasidad ng Pilipinas na malikha gamit ang malalaking wind system.”

Aniya, matandang teknolohitya na ang wind power at lumalago ng 30 percent kada taon ang pagtatayo ng wind system sa buong mundo. Sa pagsusuri ng NREL kung mayroon tayong teknolohiya at suplayer, puwedeng maging lider sa rehiyon ang Pilipinas sa wind energy production.

Mayroon isang gumaganang wind farm ang Pilipinas sa Bangui Bay, Ilocos Norte na lumilikha ng 33MW at ipinatayo ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nang manilbihan siya bilang gobernador ng lalawigan.

Gumagamit din ang Smart Communications ng wind energy upang gatungan ang baterya ng kanilang 47 cellular sites sa malalayong lugar. Tutulong din umano ang Japan at China sa pagtatayo ng mga imprastraktura sa wind energy kabilang ang paglilipat ng teknolohiya. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply