PH, Malaysia, Thailand nagpoprotesta sa SEA Games

NAGALIT ang Pilipinas, Malaysia at Thailand na kabilang sa mga bansa sa Southeast Asia dahil sa pagtanggal ng ilang sporting event sa nalalapit na Southeast Asian (SEA) Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Ilan sa mga tinanggal ng SEA Games organizers ang snooker, billiards at women’s football samantalang binawasan din ang mga event sa shooting, cycling at sailing.

Himutok ng mga Filipino ay maaaring mabawasan ang gintong medalya na nasusungkit ng Pilipinas dahil noong nakaraang SEA Games sa Laos ay tatlong gold at dalawang bronze medals ang naiuwi ng mga Filipino sa billiards.

Nanalo si Ronnie Alcano ng gold sa 8-balls, samantalang si Rubilen Amit ay nakakuha ng gold sa 8-balls at 9-balls competition.

Nagreklamo na rin ang Malaysia sa pagtanggal ng billiards at women’s football sa SEA Games.

Pati na ang Thailand ay kakampi ng Malaysia at Pilipinas sa pagpoprotesta sa nasabing pagbabawas ng sporting events. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply