PH sanktwaryo ng drug syndicates – kongresista

PINUNA ng isang kongresista ang pagiging inutil ng ilang opisyal ng airport, Bureau of Customs (BOC)  at Bureau of Immigration (BI) sa paglabas-masok sa bansa ng mga sangkot sa illegal drugs trade.

Nasa “dysfunctional mode” umano ang mga awtoridad na nakatalaga sa paliparan kaya’t nakakalusot ang mga overseas Filipino worker (OFW) na may dalang iligal na droga palabas ng bansa, ayon kay Quezon City Rep. Winnie Castelo.

“Let us come up with remedial measures that would effectively preclude or prevent our very own OFWs from being made as clueless courier or conduit for these illegal activities by drug syndicates operating in the country,” giit ni Castelo, na ang tinutukoy ay ang kanyang inihaing resolusyon.

Sinabi ni Castelo na  seryosong usapin na dapat harapin ng pamahalaan ang kaso ng drug trafficking sa bansa dahil sa ang mga OFW ang napapariwara, lalo na kung sila ay nahuhuli sa ibang bansa.

Dahil sa nakaaalarmang kaso ng pagbitay sa mga OFW sa China bunsod ng iligal na pagdadala ng droga, isinulong ni Castelo ang pormal na pagsisiyasat ng House committees on transportation and communication at public order and safety sa mga paliparan na siyang ginagawang exit points.

“It is not remote that the OFWs who have been now sentenced to die for coming into China carrying kilos upon kilos of illegal drugs have actually been just duped by drug syndicates who seem to enjoy a level of immunity, making the Philippines their base of operation,” ayon pa kay Castelo.

Naniniwala ang mambabatas na ang pagiging ignorante ng mga Pinoy na naabuso ang siyang napagdadala ng droga ng mga dayuhan nang hindi nila nalalaman.

Ayon kay Castelo, malaking katanungan kung bakit ang mga tiwaling dayuhan na sangkot sa iligal na droga ay nakakapasok sa teritoryo ng Pilipinas nang hindi man lamang namo-monitor ang kanilang mga galaw. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply