Phil. Marines vs NPA, 2 patay

LUMIKAS ang mahigit 100 pamilya sa Brgy. Tabon at Brgy. Pinaglabanan sa Quezon, Palawan habang dalawa ang patay makaraang magkasagupa ang Philippine Marines at New People’s Army (NPA).

Ayon kay Insp. Magdaleno Pimentel, hepe ng Quezon Municipal Police Station, nagpapatrolya ang mga sundalo nang maka-engkuwentro nila ang 13 rebelde.

Nabatid na dalawang oras ang itinagal ng sagupaan kung saan napatay ang dalawang rebelde.

Narekober sa pinangyarihan ang isang M16 armalite rifle,.45 caliber pistol, cellphone at subversive documents na pag-aari ng mga rebelde. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply