Phil Younghusband top newsmaker sa internet

DAHIL sa nakaraang panalo ng Philippine Football Team na Azkals kontra Mongolian Blue Wolves ay lalong sumikat ang grupo dahilan para maging top issue sa internet.

Sa katunayan ay naging top news item sa Google mula Pebrero 4 hanggang 10 ang pagkakapanalo ng Azkals laban sa Mongolia sa unang leg ng Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup noong nakaraang Miyerkules, Pebrero 9.

Naging top trending topic din sila sa sikat na social networking site na Twitter at Trendsmap.com.

Bukod sa Azkals, ang most searched news topics sa Google Philippines ay kinabibilangan ng Anderson Silva’s victory over Vitor Belfort in UFC 126, Valentine’s Day at  Wikileaks.

Ang kabuuang listahan ng fastest rising news items mula Pebrero 4 hanggang 10 ay 1. Azkals vs Mongolia, 2. UFC 1263, Valentine’s Day, 4. WikiLeaks, 5. Google Chrome, 6. Pagasa weather forecast, 7. PCSO lotto result, 8. PRC, 9, Jetstar at 10. Glee.

Samantala, si Phil Younghusband naman ang top newsmaker matapos maiugnay sa aktres na si Angel Locsin mula nang ayain niya itong makipag-date na ipinost sa Twitter.

Kasama rin ang bagong child star na discovery ng ABS-CBN na si Mutya Orquia.

Narito ang kabuan ng listahan ng top newsmaker sa internet mula Pebrero 4 hanggang 10: 1. Phil Younghusband, 2. Azkals, 3. Mutya, 4. Jasmine Curtis, 5. Piolo Pascual, 6. Alodia Gosiengfiao, 7. Misa Campo,  8. Maricar Reyes, 9. Anne Hathaway at 10. Anne Curtis. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply