Philcycling cyclists sisikad sa Thailand

SISIKAD sa 18th Asian junior Cycling Championships ang 17-anyos na si Rustom Lim habang ang mga beteranong sina Irish Valenzuela at Tots Oledan ay makikipagsapalaran sa 31st Asian Cycling Championship sa Narhon Ratchaisima, Thailand.

Sasabak sa road events si Lim sa junior championships na taunang paligsahan na isinasagawa ng Asian Cycling Federation na saklaw ng Union Cycliste Internationale (UCI).

Tubong Guimba, Nueva Ecija tinanghal na pangunahing maninikad si Lim sa age-18 under sa PhilCycling National Open sa ilalim ni association president Abraham “Bambol” Tolentino.

Si Valenzuela na beterano ng Guangzhou, China 16th Asian Games at si Oledan ay sasabak sa Elite Category ng Road Cycling Massed Start at Individual Time Trial.

Sa kabila ng kawalan ng suporta ng Philippine Sports Commission ay magpapadala ang PhilCycling ng limitadong bilang ng siklista sa Thailand Competitions bilang pampalubag-loob. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply